Comeback movie ng Marvin-Jolina, tuloy na tuloy na ba?

Mukang tuloy na tuloy na ang comeback movie ng iconic love team na sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

Ilang buwan na kasing naghihintay ang mga fans ng dalawa, ngunit parang hindi umuusad ang comeback movie dahil marami pa sialng ginagawa sa buhay.

Pero muling nanumbalik ang excitement nang magpost ang sikat na mga direktor na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone, na tila’y nagpa-plano na sa kanilang pelikula.

Matagal nang ipinahayag ni Jolina na gusto niya ulit makasama sa isang pelikula si Marvin, lalo na’t gusto niyang malaman kung ano na ang nangyari sa mga karakter na sina Ned at Bujoy sa pelikulang “Labs Kita, Okey Ka Lang?”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *