180,000 pesos na halaga ng smuggled cigarettes, naharang sa Sultan Kudarat MDN

Narekober ng mga elemento ng kapulisan ng bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte ang abot sa sampong karton ng smuggled cigarettes pasado alas otso ng gabi kagabi.


Ayon kay Sultan Kudarat PNP OIC Chief of Police Captain Norman Nur, tinatatayang abot sa P180,000.00 ang halaga ng iligal na sigarilyo ang kanilang narekober sa bahagi ng Barangay Ungap sa nasabing bayan.

Sinasabing isang concern citizen ang tumawag sa mga otoridad matapos na may nakita itong nakatambak na kahinahinalang bagay na tinakpan ng trapal at sa pagdating ng pulisya, sa kanilang pagbusisi ay doon na tumambad sa mga ito ang mga nasabing kontrabando.


Sa ngayon inaalam na ng mga otoridad kung kanino ang naturang mga narekober na smuggled cigarettes at agad dinala sa himpilan ng pulisya bago iturnover sa Bureau of Costums na nasa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *