Imbestigasyon sa ambush sa Barangay Chairman sa Cotabato City, pinamamadali

Nanawagan ngayon ang BARMM Grand Coalition o BGC sa Department of Interior Local Government o DILG at Philippine National Police para sa mabilis at patas na imbestigasyon sa nangyaring pananambang sa grupo ni Kalanganan 2 Chairman Edris Ayunan noong gabi ng June 7, 2024 sa Mabini Area Bagua 3 Cotabato City.


Nakakabahala rin anila ang tila araw-araw na kaso ng pamamaril na naitatala na lubos na nakakaapekto sa kalakalan at industriya sa syudad.


Kaugnay nito mariing kinokondena ng BGC ang naitalang pananambang na nagresulta sa kamatayan ng isang indibidwal at pagkakasugat ng apat na iba.


Matatandaang pasado alas syete ng gabi ng byernes ng paulanan ng bala ang SUV na sinasakyan ni Kapitan Ayunan.


Mahigit isang daang basyo ng pinaniniwalaang mula sa mga high powered frearms ang narecover sa crime scene ayon pa sa PNP.


Samantala mariin namang sinabi ni City PNP Director Querubin Manalang Jr. na nagpapatuloy ang kanilang pagsisikap para maidentify ang mga responsable at malaman ang dahilan ng mga ito.


Kinumperma rin ni Col. Manalang na hindi nasaktan sa pananambang si Kap. Edris.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *