Aktibidades para sa gaganaping 55th founding anniversary ng Batangas City, inilatag na!

Batangas City – Inilatag na ng lokal na pamahalaan ng Batangas City ang mga aktibidades para sa inaabangang 55th Founding Anniversary kasabay ng Sublian Festival.

Una nang nagsimula ang malawakang clean-up drive na nilahukan ng mga residente mula sa iba’t ibang mga barangay.

Ngayong araw nakatakdang isagawa ang Baysanan Bayan 2024, na gaganapin sa Batangas City Sports Coliseum.

Ilan lamang sa mga aabangang aktibidad ay ang Pamamanhikan o Ms. Foundation Day 2024, Traditional Subli Dance Competition at Sublian Festival.

Samantala, inaanyayahan naman ng pamunuan ng Lungsod ng Batangas ang publiko na makiisa at makisaya sa gaganapin na selebrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *