CAMARINES NORTE- Nagtapos lamang bilang 1st Runner Up ang Mercedes Critical Habitat sa katatapos lang na 2022 Gawad Iba ka Juan 2nd Best Mangrove Award sa Bicol Region.
Kaya naman sa susunod na taon ay tatangkain muli ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na makuha ang unang pwesto.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet ipinaliwanag ni DENR PENRO Marlon Francia na bagamat hindi nahuhuli ang ganda ng Mercedes Critical Habitat kumpara sa ibang mangrove sanctuary sa Bicol ay masasabi umanong mas matagal ang naging paghahanda ng iba.
“Although yung sa atin dito naman yung Catandunganon diyan sa Mercedes is newly organized din lang siya nung siguro 2017, so sa tingin namin wala naman tayong nakitang pagkukulang pa, siguro lalo pa nating i-improve pa siya in terms siguro nung sa livelihood tapos yung sa membership ng organizations and yun nga siguro pagagandahin pa natin yung documentation dun sa area,” ani Francia.
Isa rin umano samarahil naging advantagae lalo nan g nakakuha ng unang pwesto ay dahil sa influx ng mga turista.
Nitong nakalipas na dalawang taon ay restricted ang galaw ng mga tao dahil ss COVID- 19 pandemic dahilan upang mabawasan ang mga bumibisitang turista.
“Yun yung tinitingnan din nila dun, yung influx ng pagbisita ng turista eh nakalipas naman na mga taon alam natin nagkaroon tayo ng pandemya saka medyo restricted yung movement nung local saka foreign tourist, siguro yun din kailangan pa rin natin na sa tulong ng LGU Mercedes kailangan mapalagay sa mapa ang Catandunaganon na talagang bibistitahin hindi lang ng lokal kundi foreign tourist.”
Muli ring hinimok ni Francia ang lahat na maging kabahagi sa pangangalaga sa santuaryo lalo na’t pinananahanan ito ng Philippine Duck.
May iminungkahi rin ang opisyal na mga aktibidad na pwedeng gawin s alugar tulad ng bird watching, mangrove treaking at iba pa.
