Coast Guard personnel lagi umanong pinapaalalahanang maging magalang sa pagtupad ng kanilang tungkulin

CAMARINES NORTE – Inihayag ng pamunuan ng Philippine Coast Guard sa Camarines Norte na palagi nitong pinapaalalahanan ang kanilang personnel na maging magalang sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Senior Chief Petty Officer Graciano Cañeba, Chief Master- At Arms ng Coast Guard Camarines Norte, sinabi nito na importante ang paggamit ng “po: at “opo” sa may ari ng bangka lalo na s amga pasahero sa tuwing magsasagawa ng Pre- departure Inspection sa mga port.

Read More:  Authorities seize ₱105.9M in alleged smuggled cigarettes in Zamboanga del Sur

Mababatid na ginagawa ang Pre Departure Inspection sa mga pampasahero at pangturistang bangka upang masiguro ang kaligtasan ng mga sakay nito. Kabilang din sa sinusuri ay ang mga dokumento ng bangka.

Read More:  Motorists stranded, road buried after flash flood hits Polomolok Village

Ngayong buwan ay nabawasan na ang pagsasagawa ng Pre Departure Inspection dahil kakaunti an rin ang mga turista na nagtutungo sa iba’t- ibang tourist destination sa lalawigan.