Mga nakapagparehistro sa mall sa katatapos lang na nationwide registration Day ng SSS umabot sa 130

CAMARINES NORTE- Aaabot sa 130 ang nakapagparehistro  sa 256 na transaction sa ginawang nationwide registration day ng Social Security System (SSS) noong Lunes sa SM City Daet na naglalayong mairehistro ang mga 18 anyos pataas na hindi pa miyembro ng SSS.

Hindi pa kasama sa nabanggit na bilang ang nagparehistro sa hiwalay na venue sa San Lorenzo Ruiz National High School. Mababatid na regular ang mga ginagawang inisyatibo ng SSS para lumaki pa ang membership base nito at masiguro ang mas malawak na social security coverage para sa mga Pilipino.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Una nang sinabi ni SSS Daet Branch Information Officer Designate na si Frieda Evidor na malaking tulong ang ginawang registration hindi lang sa mga fresh graduate na naghahanap ng trabaho kundi dahil sa social security protection.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Mababatid na marami sa mga nagparehistro sa SSS na mga fresh graduate na magsisimula nang maghanap ng trabaho.