Iligal na sugal ang isa sa nakikitang anggulo ng mga awtoridad sa pagpatay sa radio commentator na si Cris Bundoquin.
Sinabi ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Paul Gutierrez , natukoy ng mga imbestigador mula sa binuong SITG Bundoquin ang isang police major na maaaring sangkot umano sa illegal number game sa Oriental Mindoro at isang provincial offical na kabilang sa isang kilalang political clan sa Mindoro.

Ang dalawang opisyal ay nauna nang napaulat na kabilang sa persons of interest sa pagpatay kay Bundoquin.
Samantalang ang ikatlong persons of interest ay isa umanong “big time” “perya” operator na may malapit na koneksyon sa police major at mga lokal na opisyal.
Sinabi ni Gutierrez, na ang paglaganap ng iligal na sugal sa lalawigan ay binatikos umano ni Bundoquin sa kanyang programa sa radyo, at sinisisi ang lokal na pamahalaan at mga opisyal ng pulisya sa umano’y kawalan ng kakayahan na ipatigil ito at posibleng pagbibigay ng proteksyon sa operator.//CA