COA, kinumpirma ang P16M confidential funds na nagastos ng OVP sa loob lamang ng 11 araw

Umabot ng P16M mula sa P125M na confidential funds ang nagastos ng opisina ni Vice President Sara Duterte noong 2022 para sa bayad ng mga safe houses sa loob lamang ng 11 days.

Ang OVP report na ito ay ipinresenta ng Commission on Audit sa imbestigasyon ng House good government and public accountability committee sa paggamit ng pondo ng OVP.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Kasabay nito, kinumpirma ni Atty. Gloria Camora ng Intelligence and Confidential Funds Audit Office ng COA na ginawa ng tanggapan ang P16M na payment, at makikita aniya ito sa 34 acknowledgement receipts na isinumite.

Ang mga resibong ito ay mula December 21 hanggang 31.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ayon kay Antipolo Representative Romeo Acop, makikita sa mga resibo ang P500,000 na payment para sa safe house.

Mangangahulugan umano ito na gumastos ang OVP ng higit-kumulang P45,000 kada-araw para sa isang safehouse.

Samantala, nilinaw naman ni Camora na wala silang impormasyon hinggil sa sinasabing mga safe houses.