Grupo, pinangangambahan ang pag-atras ng isang local firm sa joint venture kasama ang Comelec para 2025 elections

Nagtatanong ngayon ang Right To Know Right Now Coalition kung ano ang mangyayari sa joint venture at responsibilidad ng Comelec, Miru System, at St. Timothy Construction Corporation (STCC) ngayong umatras na ang STCC sa kasunduan.

Matatandaan na kamakailan, nag-withdraw na ang naturang kumpanya – bagay na tinanggap rin naman ng Comelec.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Right To Know Right Now Coalition Co-convenor Atty. Nepomuceno Malaluan, sinabi nitong nais nilang malaman kung makako-comply pa rin ba ang partnership ng natitirang mga kumpanya sa kabila ng pag-alis ng isang local firm.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Pinangangambahan umano kasi nila na ang pag-alis ng malaking partner ay posibleng may malaking epekto sa pagsasagawa ng mga tungkulin sa ilalim ng nilagdaang kasunduan.

Sa huli, iginiit nitong dapat maipaliwanag sa kanila ang detalye hinggil dito, at humihiling sila ng transparency.