COA, hindi otorisadong i-audit ang Philippine Red Cross

Sinagot ng Commission on Audit ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-audit rin nila ang Philippine Red Cross na siyang pinamumunuan ni Senator Richard Gordon.

Ayon kay COA chairman Michael Aguinaldo, hindi nila maaaring i-audit ang PRC dahil hindi nila sakop ang mga non-government organizations na katulad nito.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Aniya, ang maaari lamang umano nilang i-audit ay ang bayad ng PhilHealth sa Red Cross, dahil sakop nilang i-audit ang PhilHealth na isang government agency.

Ngunit sinabi ng Pangulo na titingnan nila ang mga records ni Gordon bilang isang public official upang malaman kung guilty ba ang senador sa korapsyon.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Matatandaan na inakusahan ni Pangulong Duterte sa kanyang public address noong Huwebes si Red Cross chairman at Senator Richard Gordon na di umano’y ginagatasan lamang ng senador ang nasabing organisasyon.