‘COA findings sa PNP-anti-insurgency fund, patunay na di kailangan ang NTF-ELCAC budget para sa 2021, 2022’

Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ang di nagamit na P636 milyong anti-insurgency funds ng Philippine National Police (PNP) ay nagpapakita lamang na di kailangan ng gobyerno ang multi-bilyong alokasyon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para ngayong taon at sa 2022.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos iulat ng Commission on Audit (COA) na 12 percent lamang o P86.57 milyon ang nagamit ng PNP mula sa P722.96 milyong anti-insurgeny funds na natanggap nila noong nakaraang taon. 

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Ayon sa senador, pag binigyan pa ang NTF-ELCAC ng government funds, mauubos na ang limitadong resources ng bansa. 

Aniya kailangan na nga lang pagkasyahin ang limitadong pagkukunan ng pondo para maayudahan ang milyun-milyong mga walang trabaho at nagugutom na mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Giit pa ng senador, kung ipipilit na pondohan pa ang anti-insurgency funding sa 2022 national budget kasunod ng findings ng COA, maghihinalang lamang ang publiko na isang malaking “campaign kitty” ang NTF-ELCAC.