Binigyang diin ng pamahalaan na ang pagpapalakas sa food production, paghimok sa mga kumunidad na magtanim, at ligtas na pagpapataas sa economic activity ay ilan lang sa mga susi para mabawasan ang gutom sa mga probinsya.
Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, matapos tugunan ang mga concerns sa pre-SONA (State of the Nation Address) forum na nagsasabing batay sa resulta ng Social Weather Stations survey, lumalabas na ang involuntary hunger ay tumaas sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.
“Kailangan po talaga natin na, to really pour more economic activities in this affected regions, kaya napakalaki po nung magiging factor ng Plant, Plant, Plant pati yung Build, Build, Build,” giit ni Nograles.
“So the more that we can push Plant, Plant, Plant, of course the more food production will happen and create more jobs also, especially sa rural areas at sa countryside,” dagdag ng head ng Zero Hunger Task Force ng gobyerno.
Dahil dito, pinupuri rin ni Nograles, ang Build, Build, Build program, na inaasahang magbibigay ng mas maraming trabaho na kinakailangan para makapagbigay ng income sa mga pamilyang Pilipino para makabili ng pagkain.
Paliwanag ni Nograles, may iba’t-ibang component ang multifaceted battle kontra sa gutom, at kailangan na magtulungan ang iba’t-ibang kinauukulang ahensya ng gobyerno para mapaganda ang accessibility at affordability ng pagkain.
