CNPPO Provl Director ng Camarines Norte tiniyak ang 100% kahandaan ng PNP sa darating na halalan

CAMARINES NORTE- Tniyak ni CNPPO Provincial Director PCol Julius Guadamor  ang kahandaan ng kanilang hanay sa darating na 2022 May 09 National and Local Election

Nitong Abril 27, 2022, nakiisa ang Camarines Norte Police Provincial Office sa isinagawang Simultaneous Inspection ng mga equipments at logistical readiness test sa lahat ng mga kagamitan ng PNP bilang paghahanda na pinangunahan mismo  ni PNP Chief, PGEN DIONARDO CARLOS.  

 Nanatili namag nakafull alert status ang mga kapulisan para sa pagbabantay   ng mga dumarating na Voting Counting Machines (VCM’s) at iba pang mga election paraphernalias sa probinsya

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Una ng  isinagawa ang testing at sealing ng mga VCM’s sa lahat ng mga polling centers na pinangunahan ng mga gurong nakatalaga na magsiserbisyo sa nalalapit na halalan sa ilalim ng superbisyon ng mga COMELEC Officers.

Layong nito na matiyak na lahat ng VCM ay gumagana at nasa maayos na kondisyon at upang makatiyak na magiging ligtas ang boto ng bawat isa sa mismong araw ng eleksyon.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Maliban sa pagbabantay ng mga kagamitan at paraphernalia, inatasan din ang PNP na pangunahan ang pagsasagawa ng muzzle taping ng mga baril ng mga tumatakbong kandidato bilang isa sa best practice ng PNP sa tuwing darating ang  halalan na isinasagawa at pinangungunahan mismo ng mga Chiefs of Police (COP) sa buong bansa.

Ayon kay PD GUADAMOR, 100% na nakahanda ang buong kapulisan sa probinsya at titiyaking sa abot ng kanilang makakaya ay papanatilihin ang  isang ligtas, malinis, patas at mapayapang halalan.