LGU Jose Panganiban nilinaw na tanging ang mga tricycle drivers na may valid na prangkisa ang makakatanggap ng fuel subsidy na inilaan ng National Government

CAMARINES NORTE- Nilinaw ng lokal na Pamahalaang bayan ng Jose Panganiban na tanging ang mga tricycle drivers na may mga valid na prangkisa lamang at e-wallet gaya ng G-Cash ang makakatanggap ng fuel subsidy mula sa gobyerno

Ito ay bilang tugon sa katanungan na ipinaabot sa Public Information Office ng naturang LGU

Sa ibingay na update ng naturang tanggapan Inihahanda na ngayon sa bayan ng Jose Panganiban ang nakalaang ayuda ng National Government para sa mga tricycle drivers

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang ayuda ay ang Pantawid Pasada Program for Tricycle Drivers o isang Fuel Subsidy Program na ipamamahagi sa lahat ng tricycle driver sa naturang bayan

Kamakailan ay pinulong na ng  naturang LGU ang labing-apat na presidente ng Tricycle Operators and Drivers Association upang ibahagi at ipaalam ang nakalaang ayuda

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang pamamahagi ay gagawin sa pamamagitan ng kanilang e-wallet gaya ng GCash, PayMaya, at Shoppee Pay, alinsunod sa guidelines ng DILG.

Tiniyak naman ng LGU sa pamamagitan ng Public Information Office na lahat ng tricycle driver na namamasada ng may valid na prangkisa at e-wallet gaya ng GCash ang makakatanggap ng fuel subsidy mula sa gobyerno