Maayos na halalan binigyan ng asigurasyon ng PNP Legazpi

LEGAZPI – Tiniyak ng PNP na magiging maayos ang seguridad ng halalan sa lungsod ng Legazpi sa Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Police Executive Master Sergeant Guilbern M. Patacsil  tagapagsalita ng Legazpi PNP tiniyak nito na magiging maayos ang seguridad ng halalan sa lungsod.

Read More:  12 youths hospitalized in Koronadal after eating poisonous tuba-tuba fruit

Aniya, sa gitna ng nagpapatuloy na implementasyon ng Comelec gaya ng Comelec Checkpoint at Election Related Incidents ay wala pa naman umano’y naitala ang nasabing hepatura maliban sa implementasyon ng Comelec Gun Ban na merong 1 ang naitala at sinampahan na ng kaso.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Samantala, umaasa naman ang opisyal na magiging payapa ang eleksyon at nagbigay naman ito ng mensahe sa komunidad na maging matalino sa pagpili ng lider sa nasabing lungsod.