CAMARINES NORTE- Inalerto ng Camarines Norte Police Provincial Office ang mga magulang na gabayan at bantayan ang kanilang mga anak upang maiiwas sa iligal na droga
Sa ibinigay na pahayag ni CNPPO Provincial Director PCol Julius Guadamor, dapat na alamin at i-monitor ng mga magulang kung saan pumupunta ang kanilang mga anak at ano ang ginagawa ng mga ito
Ito ay matapos na mapasakamay ng mga otoridad ang isang tulak ng iligal na droga na kabilang sa Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs Ng PNP sa may bahagi ng Cory Aquino Blvd., Purok-3, Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte dakong 8:15 ng gabi nitong June 15, 2022 , narekober sa isinagawang buybust operation ang nasa 70k halaga ng hinihinalang shabu
Ang Cory Aquino Boulevard ay lugar kung saan karamihan lalo na ang mga kabataan ay madalas nagkakaipon-ipon dahil ito ay isa sa mga tourist spot sa probinsya
Paalala ng opisyal na ang mga kawatan ay walang pinipiling lugar kung kaya’t marapat lamang na bilang magulang ay maging responsable ang bawat isa sa pagbabantay ng kanilang mga anak
