‘Clerical error’: Suspek sa pagbaril sa ‘dog walker’ ni Lady Gaga, ‘aksidenteng’ napalaya

Aksidenteng napalaya ng mga awtoridad sa Amerika ang suspek sa pagbaril  sa “dog walker” ni Lady Gaga, at tumangay sa dalawa niyang mamahaling French bulldog.

Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabi ng US Marshals Service na patuloy na hinahanap ang suspek na si James Howard Jackson, 19, na aksidenteng napalaya noong nakaraang Abril dahil umano sa “clerical error.”

Read More:  Dawn Chang gets surprise marriage proposal from NAPOLCOM commissioner Ralph Calinisan on game show

Kaugnay nito, nag-alok na ang mga awtoridad ng $5,000 reward sa makapagbibigay ng impormasyon para madakip si Jackson na itinuturing “armed and dangerous.”

Read More:  Kris Aquino breaks silence on Machong Chismisan hosts’ remarks about son Josh

Si Jackson ay kasama sa tatlong lalaki na kinasuhan ng attempted murder at robbery dahil sa nangyari sa dog walker ni Lady Gaga na si Ryan Fischer noong 2021.