Muling magbabalik ang Justice World Tour ni Justin Bieber na may show sa Lucca Festival sa Italy sa July 31.
Ito ay matapos ma-diagnose ang singer ng Ramsay Hunt Syndrome, na naging dahilan sa kanyang partial facial paralysis at naipagpaliban ang kanyang mga shows.
Kaugnay nito, isasagawa muna ng American pop star ang kanyang European music festival route, bago magpunta ng South America, South Africa, Middle East, Asia, Australia at New Zealand, at babalik ng Europe sa 2023.
Batay sa Ovation Productions, ang Pilipinas ay isa sa mga pupuntahan ng Justice World Tour sa October 29 sa CCP Open Grounds.
Ito ang kanyang unang concert sa Manila, matapos ang 11 taon.
