Nagpost si Ukraine’s President Volodymyr Zelenskiy ng video sa Instagram mula sa kanyang opisina, para tiyakin sa mga Ukrainians na siya ay nasa mabuting kalagayan at malusog, matapos tawaging fake news ang ulat ng Russian hackers hinggil sa kanyang kalagayan.
Ang pahayag rin ni Zelenskiy, ay sa kaparehong araw nang pabulaanan ng Kremlin ang mga ulat na may sakit rin umano si Russian President Vladimir Putin.
Ang Instagram post ng president at matapos sabihin ng Ukrainian media company na inanunsyo ng mga hackers ang naturang false report sa isa sa kanilang radio stations, kasunod ng cyberattack.
Samantala, ang Ukrainian information specialists, at American at British naman ang inaakusahan ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na nagpapakalat ng pekeng impormasyon hinggil sa kalusugan ni Putin.
