Kaso ng dengue sa Pilipinas umabot na sa 90,000 ngayong taon

Inihayag ng Department of Health na mahigit 90,000 ang naitala nilang kaso ng dengue ngayong taon.

Sa pinakahuling impormasyon mula sa DOH, umabot na sa 90,119 ang kaso ng dengue sa bansa nitong July 29, kung saan 233 katao ang namamatay sa sakit.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ayon sa DOH, mayroong 8,246 na bagong kaso ng dengue ang naiulat mula July 2 hanggang July 15, na mas mataas ng 30% kumpara sa 6,323 kaso na naiulat mula May 19 hanggang July 1 nang magsimula ang tag-ulan.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Nag-iingat ang Department of Health sa pagtingin sa bilang ng mga kaso, lalo na sa pinakahuling bilang, dahil baka marami pa rin ang mga ulat na hindi pa kasama. (BRIGADA NEWS INTERN – KHEN ALIX)