Iniimbestigahan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang mga kaso ng “upcasing” sa mga ospital at healthcare providers sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay PhilHealth spokesperson Shirley Domingo, ang upcasing ay kung ang isang tao na na-confine sa isang ospital na tinukoy bilang COVID-19 ay nakakuha ng malaking reimbursements mula sa state health insurer.
Giit ni Domingo, minsan umano, kahit ubo’t sipon lang, o ibang sakit ang dahilan na na-ospital ang isang na-hospitalize siya, tapos ginagawa umanong COVID para mapataas ang makukuhang reimbursement galing sa PhilHealth.
Tiniyak naman nito na bibigyan ang mga ospital ng due process sa gitna ng imbestigasyon.
Sa oras na mapatunayan na ang ospital o healthcare provider ay nakagawa ng upcasing, isususpende o ipapawalang bisa ang PhilHealth accreditation ng mga ito. // MHEL PACIA-TRINIDAD
