City tourism office, planong magkaroon ng dayalogo sa mga tricycle drivers at sa Committe on Transportation

Ninanais ng City Tourism Office ng Legazpi na matuldukan na ang problema at mga reklamo tungkol sa overpricing sa pamasahe ng mga tricycle drivers.

Ayon kay Cristina Agapita Pacres ng nasabing opisina, pinaplano nitong magkaroon ng dayalogo ang tricycle driver at Committee on Transportation upang mapag-usapan ang tamang fare matrix o pamasahe lalo na sa mga turista.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Aniya, wala pa umanong target date kung kailan maisasagawa ang pag-uusap dahil hindi pa naman nakakapagpadala ng sulat sa mga iimbitahan.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Umaaasa rin ito na magiging matagumpay ang isasaagawang pag-uusap at wala nang mga reklamo pang maipapaabot sa kanilang opisina tungkol sa overpricing.

Sa ngayon, ang tanging masusunod na muna sa pamasahe sa tricycle ay ang kasalukuyang fare matrix sa lungsod.