Meander dikes na planong ilagay ng APSEMO sa mga ilog sa Albay, isa umano sa mga preemptive measures laban sa mga sakuna

Maituturing ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) bilang preemptive measures laban sa mga sakuna ang kanilang pinaplanong pagsasagawa o paglalagay ng mga dike sa ilang bahagi ng mga lalawigan.

Sa isang panayam, sinabi ni APSEMO head Dr. Cedric Daep na kung mayroong mga dike sa mga meander lakes sa lalawigan, mababawasan umano ang mga apektadong populasyon kung meron mang sakunang tatama sa Albay.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Aniya, balak nilang magrequest ng pondo sa national government dahil kulang ang nasa kasalukuyang pondo ng PGA para sa nasabing plano, ngunit, ayon kay Daep, prayoridad ng pamahalaang pambansa ang rehabilitation recovery at relief para sa mga naapektuhan ng sakuna.

Sa kabila nito, susubukan nila umanong majustify sa pamahalaan na ang kanilang pinaplano ay isang anticipatory project upang maiwasan ang mga sakuna.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa prinsipyo ni Daep, kung lahat ay nakapokus lamang sa pagbibigay ng ayuda kapag mayroon nang naapektuhan ng sakuna, nangangahulugang marami pang mangyayari; ngunit kung paglalaanan ang mga proyektong makakabawas sa posibilidad ng mga sakuna, mababawasan din ang mga pangyayari.