City-OSCA nilinaw ang dahilan kung bakit mayroong mga senior citizen na matagal bago ideklarang centanarians

SORSOGON CITY – Nilinaw ni Sorsogon City Office of the Senior Citizens Affair (OSCA) head Aida Mella, ang mga posibleng dahilan kung bakit mayroong mga lagpas na ng 100 taong gulang at saka pa lamang naidedeklarang centenarians.

Ayon dito, dumadaan kasi ang mga ito sa masusing assessment kung saan pawang mga orihinal na dukumento tulad ng birth o baptismal certificate ang kinakailangang maisumite ng aplikante.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Hindi rin umano maaari o pinapayagan ang late registration.

Gayunpaman, sinabi ng opisyal na sa kawalan ng nasabing mga papeles, tinatanggap naman bilang pruweba ang birth certificate ng pinakamatandang anak ng centenarian dahil dito umano makikita ang edad kung kailan siya nanganak at ipinanganak.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa huli, sinabi ng opisyal na upang maging madali ang pagproseso ng claims kinakailangan na lahat ng papeles ng aplikante ay magtatally o magtutugma.