Isinagawa ng National Irrigation Administration Region 2 ang simultaneous tree planting activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-58 founding anniversary ng ahensiya na may temang “Tubig-Kanlungan ay Pangalagaan, Patuloy na Daloy ng NIA sa Gitna ng Pandemya”.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nasa 250 na punla ng Narra, Cacao at Chinese bamboo ang naitanim ng NIA Quirino Irrigation Management Office sa Addalam Dam Site, Barangay San Leonardo, Aglipay, Quirino.
Nagsagawa rin ng parehong aktibidad ang NIA NVMO sa watershed ng Namamparan Small Water Impounding System sa bayan ng Diadi.
Habang ang NIA MARIIS Dam and Reservior Division naman ay nagtanim ng mga fruit bearing trees at kawayan sa Magat Watershed na ibinigay ng Watershed Management Section ng MARIIS DRD.
Ang naturang tree planting ay bilang parte rin umano ng National Greening Program ng NIA na layong maaayos at mapaganda ang nakalbong kagubatan.