City health officer ng Legazpi City, napabilang sa Outstanding Filipino Physicians for the pandemic year 2021

BNFM BICOL— Nakatakdang kilalanin at bigyan ng parangal ng Philippine Medical Association ang City Health Officer ng Legazpi City Health Office na si Dr. Fulbert Alec Gillego.

Sa isang panayam kinumpirma mismo ng doktor na isa siya sa mga tatanggap ng pagkilala mula sa PMA at Junior Chamber International o JCI Senate Philippines bilang “One of the Outstanding Filipino Physicians for the Pandemic Year 2021.”

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Inihayag din ni Dr. Gillego na labis ang kanyang kasiyahan nang malaman na napabilang siya sa naturang recognition habang nagpasalamat naman ito sakanyang mga kapuwa, doktor, nurses, LGU at maging sa Kagawaran ng Kalusugan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ani Gillego, hindi lang ito magsisilbing inspirasyon para sakanilang mga doktor at health workers na pag-igihan pa ang kanilang serbisyo at bagkus ay magigi rin umano itong “mind changing mindset” para sakanila na ang kanilang propesyon ay hindi lamang umiikot sa kanilang trabaho kundi dumarating din aniya ang pagkakataong nakikilala ang kanilang mga sakripisyo.###