Mga biyahero o trader ng baboy mula sa labas ng Camarines Sur, dapat na bantayan dahil sa posibleng pagpasok na naman ng  ASF ayon sa DA-Bicol

NAGA CITY—Bagamat wala nang naitatalang kaso ng African Swine Fever sa Camarines Sur, ay huwag parin magpaka-kampante lalo pa’t maraming trader ang pumapasok sa lalawigan para mamili ng mga buhay na baboy.

Ito ang dapat na bantayan sa border ng probinsya o kahit maging sa mga Munisipalidad at siyudad dahil parin sa banta ng ASF ayon sa Department of Agriculture Bicol.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sinabi ni Emily Bordado, tagapagsalita ng DA Bicol, bukod sa ASF, ay ito rin aniya ang dahilan kung bakit maliit lamang ang ibinaba sa presyuhan ng karneng baboy sa lalawigan sa kabila ng wala ng naitatalang kaso ng ASF.

Kung nanaisin, ay maaari namang i-regulate ng probinsya o kaya ng LGU ang pagpapapasok ng mga biyahero na nagiging dahilan ng bahagyang pagnipis ng supply na may epekto rin sa presyuhan ng karne sa merkado publiko.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Samantala, tanging ang bayan palang ng Canaman ang naibaba sa Pink zone matapos wala nang maitalang kaso ng infections sa mga baboy kung saan binigyan na sila ng go-signal para sa repopulation.