Bilang ng mga fully vaccinated individuals sa Catanduanes, umabot na sa mahigit 161K

BNFM BICOL—Umabot na sa 161,221 na mga indibidwal sa islang lalawigan ng Catanduanes ang fully vaccinated na kontra COVID-19. Batay ito sa pinaka latest na report ng Provincial Health Office as of January 30, 2022.

Ang nasabing bilang ay katumbas ng 71% ng current target population habang nasa 194,934 na rin o 85% ng current target population ang mga naturukan na ng first dose ng bakuna.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sumatotal, umaabot na sa kabuuang 356,155 ang bilang ng mga indibidwal na bakunado na sa naturang probinsya na katumbas naman ng 59% ng target population.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa kasalukuyan, patuloy ang panawagan ng PHO sa publiko at sa bawat Catandunganon na makiisa sa nagpapatuloy na vaccination roll out sa iba’t-ibang panig ng lalawigan upang maabot na nito ang herd immunity.###