KORONADAL CITY — WALANG natanggap na order of suspension ang City Comelec Office ng Koronadal mula sa Comelec en banc o First Division upang suspendihin ang proclamation ni Koronadal City Mayor Eliordo Ogena para sa ikalawang termino nito bilang alkalde ng lungsod.
Ito’y matapos naghain umano ng petisyon ang katunggali nito sa pagka-alkalde ng lungsod na si City Councilor Mylene May Bascon, sa pamamagitan ng legal counsel nitong si Atty. Berteni Causing, upang suspendihin ang proklamasyon ni Ogena.
Ito ang kinumperma ni Atty. Maleiha Usman-Loong, City Election Officer ng Koronadal sa isinagawang proclamation ng mga nanalong kandidato sa lungsod.
Paliwanag ni Usman na pending pa ang nasabing petisyon ni Bascon laban kay Ogena.
Ang nasabing petisyon ay nag-ugat umano sa mga nakaraang kaso na isinampa laban kay Ogena ukol sa vote buying.
