So.Cot nakapagtala ng 83% voter turnout

KORONADAL CITY- MAPAYAPA at matagumpay ang isinagawang May 9, 2022 National and Local Elections sa lalawigan ng South Cotabato.

Ito ang inihayag ni Provincial Election Supervisor Atty. Myla Luna sa kabila ng pagpalya ng mga Vote Counting Machine (VCM) sa ilang mga presinto.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ayon kay Luna na walang anumang election-related violence o kaguluhan na nangyari sa South Cotabato at agad namang nasolusyunan at napalitan ang mga pumalyang VCM.

Nakapagtala ang lalawigan ng 82.89% voter turnout.

Batay sa Post Election Report ng Provincial Comelec Office, umabot sa 510,050 ng kabuuang 615,039 registered voters sa 11 mga munisipyo at lungsod sa South Cotabato ang bomoto sa halalan.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ngayong araw, pormal nang ipinroklama ng Provincial Board of Canvassers ang mga nanalong kandidato sa mga provincial positions.