Construction worker, patay matapos barilin ng kainuman sa Malvar, Batangas

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek sa pamamaril sa isang construction worker na kanyang naka-inuman sa Brgy. Santiago, Malvar, Batangas.

Kinilala ng Malvar Municipal Police Station ang biktima na si Emerito Castro alyas Boyet, 54 anyos, tubong Navotas, Quezon City at residente ng Brgy. Santiago, Malvar, Batangas.

Sa panayam ng Brigada News FM Batangas kay PCpt. Aldrin Jay Baysa, hepe ng Malvar MPS, alas-9:30 kagabi ng nakikipag-inuman ang biktima kasama ang suspek na si Mark Owen Nazareth, 39 anyos, nang magkaroon ng mga mainit na argumento sa pagitan ng dalawa dulot ng impluwensiya ng alak na nauwi sa mainit na sagutan at pamamaril.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Ayon kay Baysa, nauna nang nag-iinuman ang biktima kasama ang ibang indibidwal at sa bandang huli na lamang sumali sa grupo ang suspek.

Umuwi umano ang galit na suspek at pagbalik ay may dala nang baril.  

Nagtamo ng isang tama ng baril ang biktima kaya agad itong isinugod sa Daniel Mercado Medical Center, subalit idineklarang patay bandang 10:42 ng gabi.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Agad na tumakas ang suspek sakay sa kanyang kotse patungo sa hindi nalamang direksyon matapos ang pamamaril.

Samantala, ayon sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Baysa na isa umano sa inisyal na tinitingnang anggulo ng ugat ng away ng dalawa ay ang away sa titulo ng lupa at ang ilang hindi pagkakaintindihan sa gate ng compound kung saan nakatira ang dalawa na pagmamay-ari ng pamilya ng suspek.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang pamamaril.