Hinimok ng Commission on Human Rights o CHR Region 3 ang mga biktima ng child sexual abuse at exploitation na mag report sa mga otoridad.
Ayon sa CHR base sa kanilang initial studies, tumaas ang kaso ng domestic violence hindi lang sa Central Luzon kundi maging sa buong bansa.
Base sa datos ng CHR, nasa 80 percent ng mga Filipino children sa buong bansa ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang aabuso tulad ng physical, psychological, sexual, at online abuse.
At dahil sa mga restrictions na dulot ng COVID-19 pandemic, marami sa mga kasong ito ang hindi naire-report sa mga kinauukulan.
Kaugnay nito nag bukas ang CHR ng e-lawyering isang free online legal help desk service para sa lahat ng mga human rights concerns.
