Hinihikayat ng Bureau of Treasury ang publiko na mag invest sa kanilang ika-27 tranche ng Retail Treasury Bonds o RTBs, na may tema ngayong taon na “Mula sa Puso, Para sa Pinas”.
Ang RTBs, ay short-term at low risk na klase ng investment, kung saan pwede kang mag invest sa halagang limang libong piso at may maturity period na limang taon.
Meron itong annual interest rate na 4.875% per annum.
Maaaring bumili ng RTBs bonds hanggang February 28 mula sa 19 na bangko na authorized selling agents ng ahensya.
Ilan sa mga bangko ay ang Asia United Bank, Banco de Oro Unibank, Inc., BDO Capital and Investment Corporation, BPI Capital Corporation, China Banking Corporation, Citibank NA, at Development Bank of the Philippines.
Pwede rin sa mga application based investment channels tulad ng LBP mobile banking app, Overseas Filipino Bank mobile app, o sa Bonds.ph app.
