Chinese national na kabilang umano sa major Chinese syndicate, nakumpiskahan ng halos P8-M halaga ng shabu sa Pasay City

Timbog ang isang Chinese national sa operasyon ng PNP Drug Enforcement Group sa anti-illegal drugs operation sa Bgy 76 sa Pasay City.

Sa ulat ng PDEG, arestado sa operasyon ang 26 anyos na lalaking chinese national matapos makumpiskahan ng 546 grams ng suspected shabu, 643 grams ng suspected Amphetamine Hydrochloride at 114 grams ng suspected Ketamine.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign
Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Nagkakahalaga ang mga nasabat na iligal na droga ng halos P8 milyong piso.

Nahaharap na ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.