Nakiisa ang mga Chinese motorcyclists sa paglaban sa wildfire sa Chongqing China kung saan umabot na sa libu-libong bombero mula sa iba’t ibang bahagi ng kanilang bansa ang kumilos.

Ayon sa report, nagboluntaryo ang mga motorcyclist na pagbiyahe sa mga bombero at mga kailangang supplies patungo sa lugar Inihayag ng ilan sa mga ito na hindi nila inakala na mararanasan ang matinding heatwave sa Chongqing na una nilang naisip na sa pelikula lang nangyayari.
Naging concern kasi ng mga bombero ang “slope” sa isolation area na nagpahirap sa kanila para rumesponde at apulahin ang sunog. N
aisip umano ng mga motorcyclists na matutulungan nila ang mga bombero sa pag-akyat sa bundok at mabangin na lugar sa pamamagitan ng motorsiklo.
Ang matinding tagtuyot at heatwave ang sinasabing dahilan ng bushfires sa Chongqing