Nakatakdang bumisita si Chinese Foreign Minister Wang Yi sa Pilipinas sa ika-5 hanggang ika-6 ng Hulyo ngayong taon.
Itoy upang pag-usapan ang bilateral issues at personal na imbitahan si President Ferdinand Marcos Jr. na bumisita sa bansang China.

Si Wang ang pangalawang most senior Chinese official na bibisita sa bansa pagkatapos ng pagdalo ni Chinese Vice President Wang Qishan sa inagurasyon ni Marcos nitong nakaraang linggo.
Samantala, matatandaang nangako ang pangulo sa kanyang inaugural speech na susundin niya ang resulta ng arbitral tribunal kaugnay sa pinag-aagawang South China Sea kung saan hindi ito tinanggap ng China. (ARGIE ERGINA)