Chinese embassy, kinontra ang mga akusasyon hinggil sa mga Chinese students sa Cagayan

Kinontra ng Chinese Embassy sa Pilipinas ang mga akusasyon hinggil sa umano’y pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng Chinese national sa Cagayan.

Ito ay matapos na hilingin ni Cagayan Representative Joseph Lara sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa naturang isyu at sinabing maaaring malagay sa panganib ang seguridad ng Pilipinas dulot ng presensiya ng mga Chinese student sa gitna ng agresyon sa West Philippine Sea.

Ayon sa Chinese embassy walang basehan ang akusasyon sa educational exchanges sa pagitan ng China at Pilipinas.

Giit nila na isa nanaman umano itong malisyosong panlilinlang para mag-udyok ng hinala at galit sa China.

Pinalutang din ng embahada ang posibleng muling pagbuhay sa ‘McCarthyism’ na isang political oppression at persecution ng makakaliwang indibidwal. Kaya’t kailangan umano itong mabantayan at malabanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *