Yate na natagpuan sa Batangas – posibleng maiugnay sa nakumpiskang P9.6B droga

Iniimbestigahan din ng pulisya ang inabandonang yate sa Nasugbu, Batangas at ilang mga bahay sa paligid kung may kaugnayan ba ito sa nakumpiskang droga sa Alitagtag, Batangas.

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Marbil, nakadaong sa Nasugbu, Batangas ang nasabing yate pero hindi pa nito pinalawig ang impormasyon dahil gumugulong pa ang imbestigasyon.

Read More:  Ex-speaker Martin Romualdez tagged as ‘flight risk’ by PNP

Sa ngayon, nakakulong na sa Batangas Provincial Police Office ang suspek na nasampahan na ng reklamo.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Una nang nilinaw ng PDEA na P9.6B ang kabuoang halaga ng narekober na ilegal na droga matapos ang kanilang imbentaryo, taliwas sa unang estimate na P13.3B.