Chinese Ambassador Huang giniit na dapat ireklamo ang Pilipinas

Iginiit ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na dapat umanong China ang magreklamo sa panghihimasok ng Pilipinas sa Huangyan Island at sa Ren’ai Reef.

Ang Huangyan Island at Ren’ai Reef ang tawag ng mga Tsino sa Scarborough Shoal o Bajo De Masinloc at Ayungin Shoal na parte ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon kay Huang ito ay mga teritoryo ng China kaya Pilipinas ang dapat umanong tumigil sa panghihimasok at sahalip ay bumalik sa pakikipag dayalogo.

Umabot na sa 130 ang diplomatic protest ng Pilipinas laban sa China sa ilalim ng administrasyong Marcos at 63 dito inihain lang ngayong taon.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Tingin ni Senate President Juan Miguel Zubiri dapat ng palitan si Ambassador Huang.

Suhestiyon naman ni dating Supreme Court Antonio Carpio dapat ay i-convert ang mga aktibidad sa WPS sa mga civilian, dapat maglagay din mga lighthouse at saka marine research center dahil na sa ilalim ito ng UNCLOS.