China, umaasang magpapatuloy pa rin ang joint oil exploration sa WPS

Umaasa si dating Chinese ambassador to the Philippines Liu Jianchao na magpapatuloy pa na ang naunsyaming negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China para sa joint oil and gas exploration sa West Philippine Sea.

Ito ay makaraang ibasura sa ilalim ng Duterte administration ang discussions para rito.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Ang dating envoy na ngayo’y International Department of the Central Committee of the Communist Party of China Minister, ay umaasang magiging flexible ang administrasyong Marcos hinggil sa usapin sa mga pinagaagawang teritoryo.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Aniya, naniniwala itong magkakasundo ang dalawang partido sa isang paraang praktikal na usapan.

Samantala, sinabi rin ng dating envoy na bukas ang China para i-welcome si Pangulong Bongbong Marcos sakali mang magtakda na ito ng kanyang official visit.
#