Ni-lift na nang tuluyan ng Commission on Higher Education ang requirement kung saan ay kinakailangan bakunado ang isang college student bago ito makadalo sa in-person classes.
Sa pulong balitaan, inilabas ni CHEd chairperson Prospero de Vera ang bagong order kung saan ay papayagan na ang mga estudyante, pati na rin ang mga teaching and non-teaching personnel sa mga higher education institutions (HEIs) na makapag-face-to-face classess kahit na hindi ito bakunado laban sa COVID-19.
Matatandaan kasing naglabas ito ng unang requirement kung saan ay kailangang vaccinated ang mga HEI students at personnel bago maka-dalo sa in-person classess sa kolehiyo.
Sa ngayon, ipauubaya na ng CHEd sa mga institusiyon kung ibabalik na nito ang full face-to-face classes o magkakaroon muna ito ng blended learning kung saan, mayroong mga araw na online ang mode of instruction, at mayroon ding mga araw na papapasukin ang mga college learners sa silid-aralan.
#