LTFRB, pabor na taasan ang pasahe sa dyip

Kinumpirma ni LTFRB chariperson Cheloy Garafil na pabor silang aprubahan ang mga petisyon na layong taasan ang pasahe sa dyip.

Ito ay sa gitna pa rin ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Garafil na pagdedesisyunan ng tanggapan ang mga petisyong nakahain para rito na naglalaro sa P3 hanggang P4.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Nakatakda namang ilabas ng LTFRB ang magiging desisyon nito sa susunod na linggo.

Matatandaang simula bukas, may panibagong round ng big time oil price hike na ipatutpad ang mga kumpanya ng langis.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Sa abiso, P6.10 ang itataas sa kada litro ng diesel.

P6.10 din ang umento sa kada litro ng kerosene; habang P1.40 naman ang dagdag sa kada litro ng gasolina.
#