Inihayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na titiyakin ng gobyerno ng China ang stable na suplay ng anti-COVID-19 vaccine sa Pilipinas.
Inanunsyo ito ni Huang sa gitna ng inagurasyon ng China-funded Estrella-Pantaleon Bridge na nagkakahalaga ng P1.46-billion, kung saan ay present sa event si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Huang na magdo-donate ang China ng mas maraming suplay ng bakuna sa Pilipinas sa gitna ng pagtaas ng demand para rito.

Dagdag ng Chinese ambassador, malapit na magkapitbahay ang China at Pilipinas, at kahit kailan ay hindi ito maipaghihiwalay mula sa isa’t-isa.
Mababatid na ang kalahati ng mahigit 27-million doses na suplay ng COVID-19 vaccines ng Pilipinas ay binubuo ng Chinese-made Sinovac vaccines.
Matatandaan noong Miyerkules ay sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na kulang ng 42-million doses ang COVID-19 vaccine supply ng Pilipinas.