Robredo, tumanggi umanong makipagkita kay Trillanes para pag-usapan ang mga plano nila sa 2022 Elections

Ibinunyag ni dating senador Antonio Trillanes IV na tinanggihan ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang mga imbitasyon na pag-usapan ang kanilang plano para sa 2022 national at local elections.

Sa isang Facebook post ay ipinaliwanag ni Trillanes ang dahilan ng kaniyang agarang pagpapalabas ng pahayag nitong Miyerkules imbis na makipagkita muna sa Bise Presidente.

Ayon kay Trillanes, mula noong January na naging bahagi siya ng Magdalo, at kalaunan, ng Tindig Pilipinas, at sa nasabing panahon ay nakikipag-ugnayan na siya sa kampo ng Bise Presidente para humiling ng meeting kung saan ay pwede nilang mapag-usapan ang kanilang preparasyon para sa Eleksyon.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Gayunman, sinabi ni Trillanes na ilang ulit siyang tinanggihan ng Pangalawang Pangulo dahil sinabi nito na kasalanan na pag-usapan ang halalan sa gitna ng pandemya.

Dagdag ng senador, hindi rin sila pumayag na makipagpalitan ng text messages para sa security reasons, at tanging ang kinatawan lamang ng Pangalawang Pangulo ang kumakausap sa kaniya.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sa kabila ng lahat ng ito ay sinabi ni Trillanes na nalaman niya na ang kinakausap na pala ni Robredo ay ang mga posibleng kandidato sa 2022 elections kabilang na sina Senators Ping Lacson, Richard Gordon at Camarines Sur Representative Nonoy Andaya Jr.

Ang tinutukoy ni Trillanes ay ang sinabi ni Attorney Barry Guttierez, na tagapagsalita ni Robredo, sa isang panayam na dapat ay nag-text muna ang dating senador sa kanila para malaman kung ano ang naging usapan ng Bise Presidente kasama ang mga nasabing personalidad imbis na maglabas kaagad ng statement sa Twitter.