China, nanindigang ‘di dapat abusihin ang kanilang ‘goodwill’ kasabay ng civilian resupply mission ng Atin Ito Coalition

Nagsalita na ang China hinggil sa nagpapatuloy na resupply mission ng Atin Ito Coalition sa Bajo de Masinloc.

Sa isang pulong balitaan – sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin na dapat daw ay ‘di abusihin ang kanila umanong ‘goodwill’.

‘Goodwill’ na ‘di umano’y isang arrangement noong 2016 para payagan ang mga maliliit na bangkang pangsida na makarating sa Bajo de Masinloc, ‘o ‘yung Scarborough Shoal, ‘o kung tawagin ng China ay Huangyan Dao.

Anila, patulyo silang naka-monitor sa naturang mga hakbang ng Pilipinas.

Sa hiwalay na X post, kinontra ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela ang naging pahayag ni Wang.

Aniya, tila nao-overlook na raw ng China na ang tingin sa kanila ng international community ay ‘absurd’ and ‘comical’, ‘o katawa tawa.

Sabi ni Tarriela, malinaw namang ginagawa ang naturang mga misyon sa sarili nating exclusive economic zone (EEZ).

Sa katunayan, ang ‘flotilla’ pa raw ng China ang nagte-tresspas sa sarili nating teritoryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *