COMELEC – umapela sa Kongreso na bumalangkas ng batas para higpitan ang pagtanggap sa mga kandidato

Naniniwala ang Commission on Election (COMELEC) na kung nais na masigurong hindi makatakbo o makakandidato ang mga undesirables, unqualified, at illigible na mga indibidwal, magandang gawing hindi ‘ministerial’ ang tungkulin ng ahensya.

Ito ay sa gitna ng pagdinig hinggil sa pagkakakilanlan ni Bamban Mayor Alice Guo na ngayo’y iniuugnay sa isyu ng ilegal na POGO.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Comelec Chairman George Garcia, sinabi nitong batas ang kailangan sakaling gugustuhing magdadag ng mga dokumento kapag magpa-file ng candidacy.

Aniya, ang duty ng komisyon ay ang magpatupad ng batas.

Sa huli nanawagan ang Comelec sa Kongreso na magbalangkas ng batas na maghihigpit sa pagtanggap sa mga kandidato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *