Nangako ang China na magbibigay ito ng 20 million yuan o 3.1-million dollars para sa emergency supplies na magagamit ng ASEAN kontra COVID-19.
Inanunsyo ni Li Keqiang sa Asean summit na dinaluhan ng leaders mula sa 10 member states, at pati na rin ng Japan at South Korea, na nagde-develop ang China ng global COVID-19 data analysis platform.
Ipinunto ng premier na layon ng platform na paigtingin ang kahandaan sa pandemya ng East at Southeast Asia.
Iginiit rin ni Li na kailangan na ng rehiyon na palaguhin ang digital economy nito at i-streamline ang industrial chains.
Hinimok rin niya ang rehiyon na lumipat sa low-carbon economy bilang bahagi ng post-pandemic recovery, kung saan ay pwedeng makatulong ang China.
