China – nagpatupad ng 4-month fishing ban, kabilang ang West Philippine Sea

Kabilang ang ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) sa ipinatupad na pagbabawal sa pangingisda ng China sa South China Sea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang naturang fishing ban ay magpapataas lang ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Hindi raw maaaring magkaroon ng isang unilateral ban, at tila’y kumokontra rin sa naging bilateral discussions noong nakaraang taon sa pagitan nina Pangulong Bongbong Marcos at Chinese President Xi Jinping.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Nagsimula ang fishing ban ngayong Mayo, at magtatapos sa September 16.

Bago ito’y una nang nagpatupad ang China ng pag-aresto sa mga non-Chinese fishermen sa mga lugar na idiniriin nilang sa kanila.