DOH – kinumpirmang naka-heightened alert na ang Bureau of Quarantine para sa FLiRT variant

Kinumpirma ni Department of Health Assistant Secretary Albert Domingo na nagpalabas ng memorandum ang kanilang ahensya upang paigtingin ang pagbabantay sa quarantine ng lahat ng point of entry sa bansa.

Ayon kay ASec. Domingo sa programang Bagong Pilipinas, hindi ito dahilan upang maalarma ang publiko, dahil bahagi lamang ito ng kanilang pagmamatyag sa pagpasok ng mga variant ng COVID-19 na KP2 at KP3, na kabilang sa FLiRT COVID-19 variants.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Sa memorandum no. 2024-48, inaatasan ang lahat ng Bureau of Quarantine stations sa buong bansa na magsagawa ng mahigpit na screening sa mga point of entry para sa mga arriving visitors mula sa mga bansang may naitalang COVID FLiRT variant.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Hinihikayat din ang publiko na sundin ang mga pangunahing health measures tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, pag sunod sa coughing etiquette, pag-iwas sa mga matataong lugar, at pag-iwas sa mga taong may flu-like symptoms.

Pinapayuhan din ang mga travellers na kumpletuhin ang health questionnaire na available sa kanilang e-travel application.